PAMBANSANG BUWAN NG WIKA

Pambungad na Palatuntunan
JRMSU Ground, Agosto 14, 2017

buwan 1

Ipinaalam ni Prop. Jay D. Telen ang Programa para sa Buwan ng Wikang Pambansa 2017-Pambungad na Programa na pinamunuan ni G. Christian Dalis, mag-aaral sa Filipino.

buwan 2

Nag-alay ng napakagandang awit si Bb. Jolina R. Balladares na sinundan naman ng makahulugang mensahe ng Administrador ng Kampus, Dr. Marvin A. Recapente. Ipinaalam naman ni Bb. Kimberly V. Jumuad ang mga gawaing tampok sa Buwan ng Wika 2017.


buwan 3

Hindi naman nagpahuli ang JFORCE sa pag-indak ng katutubong sayaw sa palatuntunang iyon na siyang lalong nagpatingkad sa napakahalagang gawain na tampok sa araw na iyon.

 

TERTULYA NG WIKA

Agosto 23, 2017
Dapitan City Cultural and Sports Center

Tampok sa gawaing ito ang iba’t ibang paligsahan na pinagbibidahan ng mg aktibong mag-aaral. Pinangunahan ni Dr. Paterno S. Baguinat III ang “Tagisan ng Talino” at pinangunahan naman ni G. Mark Anthony M. Gito ang paligsahan sa “Paksa Ko, Iaksyon Mo”. Pinaunlakan naman ni Kgg. Patrick Israel B. Chan ang imbitasyon upang maging Panauhing Tagapanayam sa nasabing gawain. Namumukod-tangi naman ang galing na ipinakita ni Bb. Jolina R. Balladares sa kanyang itinampok na awitin na sinundan ng napakasiglang sayaw ng JFORCE sa kanilang indak pinoy. Ang mga mag-aaral na lumahok sa bawat paligsahan ay ginawaran ng salaping premyo sa napanalunang larangan. Natapos ang gawain ng lampas 5:00 ng hapon. Matagumpay na naisagawa ang gawain na dinaluhan ng aktibong Administrador ng Kampus, Dr. Marvin A. Recapente.

 

PAMBANSANG BUWAN NG WIKA
PANGWAKAS NA PROGRAMA – BIGKASAYAWIT

Agosto 30, 2017
JRMSU Gymnasium, Lungsod Dapitan

Sinimulan ang pagpapatala sa ganap na 8:00 nu. Pinamunuan ng mga mag-aaral mula sa Pamahalaang Pang-mag-aaral ng Kolehiyo ng Edukasyon ang pagpapatala. Apat (4) na kategorya ang itinampok: Dagliang Talumpati, Balagtasan, Pag-awit ng Kundiman, Pag-indak ng Katutubong Sayaw at OPM Solo. Ang mga patimpalak ay ginawa sa pagitan ng mga mag-aaral ng Junior High School, Senior High School at mga mag-aaral sa kolehiyo.

buwan 4

Pinangunahan ng MAPEH Ensemble ng Kolehiyo ng Edukasyon ang Awit Panalangin at Pambansang Awit.

Dinaluhan ng mahigit isang libong mga mag-aaral ang pangwakas na palatuntunan. Kasama ng mga kalahok ang kanilang mga tagasanay at mga kaibigang tiyak susuporta sa gagawin nilang pagtatanghal.

buwan 5

Di-mahulugang karayon ang bulwagan dahil sa dumagsang mga manonood sa gagawing patimpalak. Hindi alintana ng mga manonood ang mainit na pinagdarausan ng mga paligsahan. Makikita sa bawat mukha ng mga nagsipagdalo ang kasiyahan sapagkat kanilang matutunghayan sa bulwagang iyon ang napakahalagang pangyayaring kukumpleto sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2017.

Pormal na binuksan ng napakamasigasig na Dekano ng Kolehiyo ng Edukasyon at Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura ang programa. Sinundan naman ito ng paglalahad ng mga pamantayan sa mga gagawing patimpalak ni Bb. Melanie Coyaye, at pagpakilala ng mga hurado ni Bb. Rizalen Saldon kapwa mag-aaral sa BSEd Filipino.


buwan 6
Sina G. Gina B. Acoymo, guro sa Filipino na Mataas na Paaralang Pambansa ng Ilaya, G. Moises Eucogco, guro sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Dapitan at G. Germanico C. Malacat, Superbisor sa Programang Pang-Edukasyon ang mga hahatol sa mga kalahok sa iba’t ibang patimpalak.
Timpalak sa Balagtasan

buwan 7

Pag-indak ng Katutubong Sayaw

buwan 8

PM Solo

buwan 9

Dagliang Talumpati

buwan 10


buwan 11
Buong husay na inilahad ng bawat kalahok ang kanilang mga saloobin, kuro-kuro at opinyon tungkol sa napapanahong isyu na kanilang nabunot sa loob na limang minuto. Habang tinataya ng mga tagahatol ang puntos ng bawat isa ay nagbigay ng kanyang mensahe ang Inang Wika, Prop. Bureros, Direktor sa SWK.

ANG MGA NAGWAGI SA MGA PATIMPALAK

 

DAGLIANG TALUMPATI
Unang Gantimpala College of Education Vincent Ricson Espejo
Ikalawang  Gantimpala College of Arts and Sciences Ralf Rey Alberca
Ikatlong Gantimpala College of Business and Accountancy Aljay Ambos

 

BALAGTASAN
Unang Gantimpala College of Education Mary Rose Suasula

Althea Ondac

Jamescel-an  Galleposo

Ikalawang  Gantimpala College of Business and Accountancy Charlie Calibo

Lovely Jane Lumbo

Vaughn Thomas Sumalpong

Ikatlong Gantimpala Senior High School Department Jacinth Claire Cuevas

Kristy Ciane  Insag

Vanessa Lactuan

 

PAG-INDAK NG KATUTUBONG SAYAW
Unang Gantimpala College of Education
Ikalawang  Gantimpala College of Business and Accountancy
Ikatlong Gantimpala Senior High School Department

 

OPM SOLO
Unang Gantimpala College of Education Jolina Balladares
Ikalawang  Gantimpala College of Arts and Sciences Ersil Marie Tabil
Ikatlong Gantimpala College of Business and Accountancy Faith Manit

 

KUNDIMAN
Unang Gantimpala College of Business and Accountancy Yvonne Andilab
Ikalawang  Gantimpala College of Education Johnny Almirol
Ikatlong Gantimpala Junior High School Department Christine Colata

 

PANGKALAHATANG KAMPYEON
Unang Gantimpala College of Education
Ikalawang  Gantimpala College of Business and Accountancy
Ikatlong Gantimpala College of Arts and Sciences